Bea Alonzo, happy over positive comments about 'Start-Up PH'
Kahit nasa California si Bea Alonzo noong September 26 para sa GMA PinoyTV concert, nakisabay pa rin siya sa Kapuso viewers sa pag-aabang ng pilot episode ng kaniyang first-ever GMA drama series na Start-Up PH.
Matapos ang matagumpay na world premiere, sunud-sunod na positive reviews ang natatanggap ng programa mula sa mga manonood hanggang sa ngayon na nasa ikalawang linggo na ang Kapuso serye.
Sa katatapos lang na solo media conference ni Bea, ibinahagi ng movie icon sa Chika Minute host na si Nelson Canlas kung gaano siya kasaya habang binabasa ang comments ng netizens sa Philippine adaptation ng isang hit Korean series.
Ayon kay Bea, “I am very thankful with the reception, ganda nung reviews. I'm very happy with the ratings and I'm very happy with everything that's been happening.”
“Most of them are fans of Start-Up Korea, that they did not get disappointed and that happy sila sa output ng Philippine version of Start-Up,” dagdag pa niya.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Bea ang nararamdaman niya habang nire-recreate ang ilang looks ng Korean actress na si Bae Suzy na gumanap bilang si Seo Dal-mi sa original version.
Pagbabahagi ng Kapuso actress, “Great of course, pero siyempre it's Bae Suzy. Everybody loves her including myself... It is fun recreating the look, but also parang nahihiya rin.”
Kasalukuyang napapanood si Bea bilang si Danica “Dani” Sison, ang apo ni Lola Joy (Gina Alajar) at kapatid ni Katrina Sison/Diaz (Yasmien Kurdi).
Si Dani ay masipag, puno ng pangarap, at gagawin niya ang lahat upang mapatunayan sa kaniyang ate na maayos ang kaniyang buhay kahit iniwan siya nito noon nang sumama ito sa kanilang nanay na si Alice (Ayen Munji-Laurel).
Bukod kina Bea at Yasmien, napapanood din bilang bida sa serye sina Alden Richards at Jeric Gonzales, na gumaganap bilang sina Tristan “Good Boy” Hernandez at Davidson “Dave” Navarro.
Abangan kung ano ang magiging koneksyon nina Tristan at Davidson kay Dani sa mga susunod na episodes ng programa.
Mapapanood ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipinapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Maaari ring mapanood ang bagong drama series sa GMA PinoyTV.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: