Yasmien Kurdi feels happy and grateful for her role in 'Start-Up PH'
Kilala ang award-winning actress na si Yasmien Kurdi sa mababait na karakter na ginampanan niya sa ilang GMA shows. Ngunit sa bagong GMA drama series na Start-Up PH, kakaibang Yasmien ang kasalukuyang napapanood ng mga Kapuso.
Ginagampanan niya rito ang karakter ni Katrina “Ina” Sison/Diaz (Won In-jae), ang independent at ambitious na kapatid ni Danica Sison na role ni Bea Alonzo (Seo Dal-mi).
Bago pa ipalabas ang pilot episode ng bagong drama series nito lamang September 26, una nang ibinahagi ng Kapuso actress sa ilang interviews ang mga dapat abangan ng mga manonood tungkol sa kanyang karakter.
Sa katunayan, pati sa isa sa kanyang vlogs ay ipinakilala niya ang kanyang role sa Philippine adaptation ng breakthrough Korean drama series.
Noong September 17, sa face-to-face media conference ng Start-Up PH, ibinahagi ni Yasmien ang kanyang naramdaman nang malaman niyang isa siya sa mapapanood bilang bida sa bagong programa.
Pagbabahagi ng StarStruck alumna, “Siyempre masaya po ako, kasi noong in-offer sa akin itong Start-Up [PH], noong sinabi na I'll be playing Won In-jae na si Ina Diaz sa Philippine version, talagang tinanggap ko po agad. Noong una, pressure siya. Sabi ko, Kaya ko ba?' Tapos, pinanood ko uli, inulit ko, tapos sabi ko, parang kaya naman. Sige game, go.
“Sobrang saya ko na naibigay sa akin itong role na ito,” dagdag pa niya.
Sa ilang interviews, inamin ng aktres na fan siya ng Korean dramas at isa na nga rito ang Korean version ng kanilang show na Start-Up.
Bukod kay Yasmien, napapanood din bilang lead stars sa Start-Up PH ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, This Generation's Movie Queen na si Bea Alonzo, at ang award-winning actor na si Jeric Gonzales.
Subaybayan ang napakagandang kuwento ng Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Sa GTV naman, mapapanood ito mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm, at tuwing Biyernes, 11: 00 pm.
Mapapanood din ang Start-Up PH sa GMA PinoyTV.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: