Crystal Paras, emosyonal sa kanyang muling pagpapaalam sa 'StarStruck' | Ep. 10
Tuluyan nang nagpaalam si Crystal Paras sa StarStruck Season 7.
Pagkatapos ng kanilang artista test ay nakuha ni Crystal ang lowest combined scores from council at online votes kaya siya ang na-eliminate nitong July 14.
Nagpasalamat si Crystal sa council na sina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo dahil siya ang pumasa sa second chance challenge kaya nakabalik siya last week sa competition.
"Gusto ko lang po magpasalamat of course to the council for giving me the second chance."
Radson Flores at Crystal Paras, ibinahagi ang naramdaman sa kanilang pagbabalik sa 'StarStruck'
Dagdag pa ni Crystal ang kanyang pasasalamat sa mga nakasama sa Final 14.
"I want to thank you guys for welcoming me... at first I had a hard time na mag-adjust ulit sa inyo."
Nagpasalamat din si Crystal sa kanyang supporters at sa StarStruck dahil sa kanyang naging achievement.
"I would like to thank again my family for the support and my friends for voting. Sobrang salamat po, StarStruck. This is one of the greatest achievements po sa buhay ko. It was an honor, thank you, maraming salamat po."
Panoorin ang emosyonal na final bow ni Crystal.