What's on TV

'StarStruck' Final 14, makukumpleto na!

By Maine Aquino
Published June 23, 2019 10:16 AM PHT
Updated June 23, 2019 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Pasok na ba sa Final 14 ang favorite mo na 'StarStruck' contestant?

Ngayong Linggo (June 23), opisyal nang mabubuo ang Final 14 ng StarStruck season 7.

Sa mga natitirang hopefuls na magfa-final audition ngayong gabi, malalaman kung sino ang huling apat na makakapasok sa Final 14.

Kahapon (June 22), nakapasok na sina Jeremy Sabido, Rere Madrid, at Lexi Gonzales.

Sila ay kabilang na sa Final 14 kasama nina Abdul Raman, Karl Aquino, Kim De Leon, Gelo Alagban, Pamela Prinster, Dani Porter, at Angelic Guzman.


Apat na slots nalang ang natitira! Sundan ang kapanapanabik na pagbuo ng Final 14 ngayong Linggo, 7:40 p.m.