
Sinariwa ni Miss World 2013 Megan Young ang kaniyang mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
First time sumabak ang actress/beauty queen sa harap ng camera noong sumali siya sa second season ng StarStruck 15 taon na ang nakakalipas.
Aniya, hindi naging madali ang kaniyang pag-o-audition dahil hindi pa uso ang internet.
"N'ung audition ako ng Starstruck, hindi pa uso 'yung internet, so hindi mo makita kung ano 'yung mga requirements, so [mag-aabang] ka talaga sa TV para makita mo.
“'Tapos pagdating mo dun, kulang-kulang pa kami ng [requirements] ng mga friends ko," kwento ni Megan sa harap ng ilang GMA reporters noong contact signing niya sa Kapuso Network.
LOOK: Megan Young remains a Kapuso!
Patuloy niya, "So ang ginawa pa namin no'n, 'Uy, ma, pa-fax naman. Pa-fax naman ng birth certificate ko kasi kailangan na pala.' May mga gan'un.
Aminado si Megan na nahirapan siyang makapag-adjust sa buhay-artista sa murang edad.
Bahagi niya, "No'ng time na 'yun, nung nag-StarStruck ako, siyempre 14 pa lang ako, tapos wala akong ginawang commercial work kasi unang sabak ko sa camera, nagulat ako sa workload.
"Siyempre, sanay ako na 7 a.m. to 5 p.m. school lang tapos homework. So, 'di ako sanay sa pagod, parang tulaley na lang ako."
Pero sa kabila nito, natutunan ni Megan na pagtibayin ang kaniyang work ethic.
Ika niya, "It was a really a mind-opening moment for me na kailangan my head is in the game. I need to have some sort of mental power na, 'Kaya ko 'to, I'll get rest later on.'
"From working at an early age, you'll know how to strengthen your work ethic as already as that."