IN PHOTOS: 'StarStruck's Ultimate Male and Female Survivors from seasons 1 to 6
Muli nating kilalanin ang mga nagwagi sa original reality-based artista search simula noong 2003 hanggang 2015.
Jennylyn Mercado
Si Jennylyn Mercado ang kinilalang Ultimate Female Survivor sa first season ng 'StarStruck.' Simula nang kanyang pagkapanalo noong 2003 ay namayagpag ang kanyang career sa music and acting. Ngayon ay kilala na si Jennylyn sa kanyang box office movies at highly acclaimed acting performances.
Mark Herras
Si Mark Herras ay bunga rin ng unang season ng 'StarStruck' at pinarangalang Ultimate Male Survivor. Tulad ni Jennylyn ay sunud-sunod rin ang mga naging proyekto ni Mark sa Kapuso Network.
Mike Tan
Si Mike Tan ay ang Ultimate Male Survivor sa second season ng StarStruck. Siya ay nanalo noong 2004 at simula noon naging kilala si Mike bilang isa sa mga magagaling na leading men ng GMA Network.
Ryza Cenon
Si Ryza Cenon ay naging parte rin ng second season ng StarStruck at tulad ni Mike Tan, isa rin siya sa mapalad na nakakuha ng titulo noong 2004. Kinilala si Ryza bilang Ultimate Female Survivor. Ipinakita ni Ryza ang kanyang husay sa pag-arte nang siya ay gumanap na kontrabidang si Georgia sa 'Ika-6 na Utos.'
Jackie Rice
Ang Ultimate Female Survivor ng third season na si Jackie Rice ay kilala na ngayon bilang isa sa mga magagaling na aktres ng kanyang henerasyon. Nagpapakita ng husay sa kanyang pagganap sa drama at comedy roles sa iba't ibang programa ng GMA Network.
Marky Cielo
Umani ng papuri si Marky Cielo noong siya ay nagwagi bilang Ultimate Male Survivor sa third season ng StarStruck. Sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang aktor dalawang taon pagkatapos ng kanyang pagkakapanalo.
Aljur Abrenica
Hindi lang Ultimate Male Survivor si Aljur Abrenica dahil kinilala rin siya sa 'StarStruck' bilang "Ultimate Hunk."
Kris Bernal
Si Kris Bernal ay ang Ultimate Female Survivor ng 'StarStruck' Season 4. Namayagpag ang kanyang acting career dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa iba't ibang iconic roles sa mga programa ng GMA Network. Sa ngayon ay kilala na rin si Kris bilang isang celebrity businesswoman dahil sa kanyang restaurant at sariling lipstick brand.
Steven Silva
Pagkatapos maipanalo ni Steven Silva ang titulo na Ultimate Male Survivor ng season 5 ay ipinakita niya ang talento sa iba't ibang programa tulad ng Party Pilipinas, Indio, Bubble Gang at Sunday All Stars. Nag-focus rin si Steven sa Kitchen Musical series kung saan ipinakita niya ang galing sa pagkanta.
Sarah Lahbati
Ang Filipino-Moroccan na si Sarah Lahbati ang kinilalang Ultimate Female Survivor ng season 5. Kilala si Sarah sa kanyang mga naging pagganap sa 'Kokak,' 'Party Pilipinas,' 'Sunday All Stars' at 'Makapiling Kang Muli' kung saan nakapareha niya ang kanyang naging asawa na si Richard Gutierrez.
Klea Pineda
Ang Ultimate Female Survivor ng season 6 ay ibinigay kay Klea Pineda noong 2015. Simula ng kanyang pagkakapanalo ay naging parte si Klea ng drama programs ng GMA Network kung saan nagpakita siya ng kanyang mga natutunan mula sa original reality-based artista search. Isa rin si Klea sa napupusuan ng mga netizen na sumali sa mga beauty pageant para i-represent ang bansa.