TV

Jodi gets diagnosed with cancer in 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Nalaman na ni Jodi na eye cancer ang sanhi ng panlalabo ng kanyang mga mata.

Sa episode 57 ng Stairway To Heaven, nadagdagan ng panibagong pagsubok sina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos).

Pinanindigan na ni Cholo ang pagiging waiter matapos siyang tanggalin ng kanyang inang si Zoila (Sandy Andolong) sa kumpanya. Nagduda ang may-ari ng cafe ng kanyang pinapasukan dahil sa kanyang credentials at postura, lalo na nang malamang dating CEO ng Global Land ang binata. Gayunpaman, tinanggap din si Cholo dahil sa kanyang determinasyon.

Samantala, nakumpirma na ni Jodi (Rhian Ramos) na hindi dulot ng aksidente ang panlalabo ng kanyang mata kung 'di dahil sa eye cancer. Namana niya ito sa kanyang inang namatay sa sakit.

Rhian Ramos and Jestoni Alarcon in Stairway To Heaven

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.