TV

Pakiusap ni Jodi kay Zoila sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Nagi-guilty si Jodi dahil pakiramdam niya ay siya ang dahilan kung bakit naghihirap si Cholo kaya nakiusap siya rito na bumalik na lang sa kanyang pamilya.

Sa episode 56 ng Stairway To Heaven, nakiusap si Jodi (Rhian Ramos) kay Zoila (Sandy Andolong) na huwag nang pahirapan ang anak nitong si Cholo (Dingdong Dantes).

Sa kasamaang palad, hindi tinanggap ni Zoila ang hiling ng dalaga at sinabing iwan si Cholo para makabalik ito sa nakagisnang buhay.

Nagi-guilty si Jodi dahil pakiramdam niya ay siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanyang nobyo kaya nakiusap siyang bumalik na lang ito sa kanyang pamilya.

Gayunpaman, nagmatigas si Cholo at sinabing hinding-hindi siya babalik sa kanyang ina dahil si Jodi lamang ang gusto niyang makasama.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.