TV

Bagong buhay ni Cholo sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Sa 'Stairway to Heaven,' makikitang nagpupursige si Cholo (Dingdong Dantes) para sa kinabukasan nila ni Jodi (Rhian Ramos).

Sa episode 54 ng Stairway To Heaven, pinanindigan ni Cholo (Dingdong Dantes) ang kanyang desisyon na huwag pakasalan si Eunice (Glaiza De Castro) kahit na siya ay maghirap.

Malayo sa nakasanayang buhay, naranasan niyang mangutang at maghanap ng trabaho para sa kinabukasan nila ni Jodi (Rhian Ramos).

Papatunayan ni Cholo na kayang niyang gumawa ng sariling buhay nang hindi humihingi ng tulong sa kanyang inang si Zoila (Sandy Andolong).

Alt text: Dingdong Dantes in Stairway To Heaven

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.