
Sa episode 53 ng Stairway To Heaven, tinggalan ni Zoila (Sandy Andolong) ng mana at posisyon sa kumpanya si Cholo (Dingdong Dantes) dahil sa pakikipaghiwalay nito kay Eunice (Glaiza De Castro).
Nagawa ito ni Zoila para mapapayag niya ang kanyang anak na pakasalan si Eunice dahil sa takot na mabunyag ang kanyang sikretong pakiki-apid sa isang pamilyadong politiko.
Kahit na halos walang natira kay Cholo, pinili pa rin niyang huwag pakasalan si Eunice dahil si Jodi (Rhian Ramos) ang gusto niyang makasama habangbuhay.
Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.
Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.