GMA Logo Rhian Ramos and Dingdong Dantes in Stairway To Heaven
What's on TV

Naudlot na pagkikita nina Cholo at Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published July 14, 2020 9:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos and Dingdong Dantes in Stairway To Heaven


Gumawa ng paraan sina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza De Castro) para hindi magkita sina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos) sa 'Stairway To Heaven.'

Sa episode 41 ng Stairway To Heaven, pinigilan nina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza De Castro) si Jodi (Rhian Ramos) na makalapit kay Cholo (Dingdong Dantes) para hindi masabi sa binata na nagbalik na ang kanyang alaala.

HIndi man nakalapit sa kanyang kababata, nakuha namang kausapin ni Jodi ang ina ni Cholo na si Zoila (Sandy Andolong). Sinabi ng dalaga na siya si Jodi ngunit hindi siya pinaniwalaan nito dahil sa isyu ni Jenna sa opisina.

Samantala, simula nang kuwestiyunin ni Jodi ang mga nangyari sa kanyang nakaraan.

Nang makita niya si Eunice sa Eldar's Kingdom, tinanong niya ang kanyang stepsister kung bakit pinili ni Tristan (TJ Trinidad) na itago siya matapos siyang masagasaan.

Balikan ang eksenang 'yan:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.