GMA Logo Dingdong Dantes in Stairway To Heaven
What's on TV

Dingdong Dantes, nakuha ang first acting award dahil sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published May 15, 2020 4:04 PM PHT
Updated August 4, 2020 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of China rocket debris near Puerto Princesa, Tubbataha
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes in Stairway To Heaven


Naghatid ng karangalan sa GMA Network at maging sa bansa si Dingdong Dantes dahil sa kanyang stellar performance sa 2009 Kapuso drama series na 'Stairway To Heaven.'

Nagbigay ng karangalan sa GMA Network at maging sa bansa si Dingdong Dantes dahil sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa karakter ni Cholo sa Pinoy adaptation ng classic Koreanovela na Stairway To Heaven.

Halos 10 taon na ang nakakalipas noong hinirang siya bilang Best Drama Actor para sa kanyang performance sa nasabing programa. Ito ang unang acting award na kanyang natanggap sa kabuaan ng kanyang showbiz career.

Ang parangal ay iginawad sa Kapuso Primetime King ng 24th PMPC Star Awards for Television noong November 20, 2010 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Pasay City.

Noong taon ding iyon, na-nominate din si Dingdong sa katergoryang Best Actor in a Leading Role sa prestihiyosong Asian Television Awards (ATA), dahil din sa kanyang portrayal sa Stairway To Heaven.

Sa kasamaang palad, hindi niya nasungkit ang tropeyo. Ang Hong Kong actor na si Bowie Lam ang nakapag-uwi ng titulo para sa kanyang pagganap sa pre-modern drama series na Sisters of Pearl.

Gayunpaman, sinabi ni Dingdong na nagsilbing inspirasyon ang kanyang ATA nomination para pagbutihin ang kanyang craft, ayon sa isang text message na ipinadala niya sa Pep.ph ilang araw matapos siyang tanghaling Best Drama Actor ng PMPC Star Awards for TV noong 2010.

True enough, kapansin-pansin ang kanyang paglago bilang artista dahil patuloy siyang kinikilala hindi lang sa larangan ng telebisyon, kung 'di rin sa larangan ng pelikula.

Matapos ang isang taon, nasungkit naman ni Dingdong ang kanyang unang MMFF Best Actor award para sa kanyang pagganap sa 2011 horror film na Segunda Mano.

Hindi roon natapos ang paghakot niya ng mga tropeyo dahil magpahanggang ngayon ay umaani siya ng parangal.

Ang latest Best Actor award na kanyang nakuha ay iginawad ng Entertainment Editors' Choice (The Eddys) Awards noong 2019. Ito ay para sa kanyang pagganap bilang insomnia-stricken stockbroker sa romantic drama film na Sid & Aya.