WATCH: 'Stairway To Heaven,' magkakaroon ng TV comeback
Magkakaroon ng TV comeback ang 2009 Kapuso drama series na Stairway To Heaven, na hango sa classic Koreanovela na may parehong pamagat.
Ito ay pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos, na gumanap sa papel ng magkababatang sina Cholo at Jodi na nag-ibigan bandang huli.
Ang South Korean superstars na sina Choi Ji-woo at Kwon Sang-woo ang orihinal na nagbigay-buhay sa mga nasabing karakter.
Tampok din sa Pinoy version ng Stairway To Heaven sina Glaiza De Castro, TJ Trinidad, Jean Garcia, Jestoni Alarcon, at Ms. Sandy Andolong.
Gayundin sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na gumanap bilang batang Jodi at batang Cholo.
Abangan ang Stairway To Heaven sa GMA simula May 18 sa GMA Afternoon Prime.
Related:
'Stairway to Heaven' star Baek Sung Hyun marries his girlfriend of 4 years