Here's what happened at the GMA media conference for 'SLAY'
Muling humarap sa press ang cast ng SLAY sa idinaos na media conference ng GMA ngayong Miyerkules, March 19, sa Luxent Hotel, Quezon City.
Una nang nagsagawa ng media conference ang Viu Original para sa SLAY noong February 26. Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.
Present sa media conference ang lead stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose.
Kasama rin sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.
Tingnan ang naganap sa media conference ng GMA para sa SLAY sa gallery na ito.
GMA media conference for 'SLAY'
Noong Miyerkules (March 19), nagkaroon ng media conference ang GMA para sa pinakabago nitong murder mystery series, ang SLAY.
Cast
Pinangunahan ang media conference ng lead stars ng SLAY na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose. Kasama rin sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.
GMA executives and creative team
Present din sa media conference ang ilang GMA Executives at creative team ng SLAY.
Gabbi Garcia
Sa SLAY, bibida si Gabbi Garcia bilang Amelie, ang mayamang half-sister ni Liv (Julie Anne San Jose).
Grateful
Sa media conference, ipinarating ni Gabbi Garcia kung gaano siya kasaya na makatrabaho ang kapwa Kapuso stars na sina Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose sa SLAY. Nagpasalamat din ang aktres sa creative team ng SLAY at GMA executives sa napakagandang proyekto.
Mikee Quintos
Makikilala si Mikee Quintos bilang Sugar, ang newly-hired chef sa in-house bistro ng gym ni Zach (Derrick Monasterio).
Exciting
Ani Mikee, isa sa dapat na abangan ng manonood sa SLAY ay ang mga bagong makikita sa kanila bilang mga aktor--ang role na gagampanan nila sa serye.
Ysabel Ortega
Gaganap si Ysabel bilang Yana, isang law student na gagawin ang lahat para mapanatili ang upper class lifestyle niya.
Workshop
Ikinuwento ni Ysabel Ortega na sumailalim sa workshop ang cast bago magsimulang mag-taping. Aniya, malaki ang naitulong nito bilang paghahanda sa kanilang mga role.
Julie Anne San Jose
Bibida si Julie Anne bilang Liv Baltazar, girlfriend ni Zach (Derrick Monasterio) at stepsister ni Amelie (Gabbi Garcia).
Thankful
Ibinahagi ni Julie Anne San Jose na "hindi biro" ang kanilang pinagdadaanan para mabuo ang pinakabagong murder mystery series na ito ng GMA at Viu Original.
Derrick Monasterio
Pinaghandaang mabuti ni Derrick Monasterio ang role na pagbibidahan sa SLAY. Makikilala siya bilang Zach, ang fitness influencer na nasunog at namatay.
Trust
Sa media conference, nagpasalamat si Derrick Monasterio sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network at Viu Original para sa role na gagampanan sa SLAY.
Royce Cabrera
Mula sa pagiging mastermind sa Widows' War, muling mapapanood si Royce Cabrera sa pinakabagong murder mystery series na SLAY. Makikilala siya bilang Juro, ang detective na ma-a-assign sa kaso ng pagkamatay ni Zach.
Jay Ortega
Makikilala si Jay Ortega bilang Gabo, isang waiter sa isang bar, pero ma-i-involve siya sa ibang mga karakter dahil kababata niya ang isa sa mga bida. Aniya, magkakaroon din ng love interest ang karakter niya sa serye.