GMA Logo Julie Anne San Jose and Gazini Ganados in slay
What's on TV

Confrontation scene nina Julie Anne San Jose at Gazini Ganados, abangan sa 'SLAY'

By Aimee Anoc
Published April 16, 2025 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and Gazini Ganados in slay


Mapapanood ngayong Miyerkules sa 'SLAY' si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

May makakatapat ngayong Miyerkules (April 16) ang karakter ni Julie Anne San Jose na si Liv sa murder mystery series na SLAY, at ito ay ang naging ka-fling ni Zach na si Cindy, na ginagampanan ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

Sa teaser na inilabas ng SLAY, isang video ang kakalat kung saan makikita ang matinding sagutan noon nina Zach (Derrick Monasterio) at Liv (Julie Anne San Jose), na labis na ikababahala ng huli.

Ano kaya ang dahilan nang nagpakalat ng video?

Samantala, aalamin ni Sugar (Mikee Quintos) kung totoo nga bang nagkaroon ng girlfriend ang kuya niyang si Byron (Jon Lucas).

Abangan ang confrontation scene nina Julie Anne San Jose at Gazini Ganados sa SLAY ngayong Miyerkules, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: