SLAY title card
TV

Killer ni Zach sa 'SLAY,' 'big surprise' maging sa lead cast ng serye

By Aimee Anoc
Malaking sorpresa maging sa mga bida kung sino nga ba ang pumatay Zach sa 'SLAY.'

Isang malaking palaisipan din para sa lead cast ng SLAY na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose kung sino nga ba ang killer sa nasabing murder mystery series.

Sa ngayon sa SLAY, patuloy ang imbestigasyon kung paano nga ba nasunog at namatay ang fitness influencer na si Zach Zamora, na ginagampanan ni Derrick Monasterio.

Sa interview ng 24 Oras, ipinarating nina Gabbi, Mikee, Ysabel, at Julie Anne na isa ring malaking sorpresa maging sa kanila kung sino nga ba ang pumatay kay Zach sa kuwento.

"Puro hula lang," sabi ni Gabbi. "Pati us, we don't know what's gonna happen in the script. We don't know who's who? Who killed who? So, even for us it's a big surprise."

Pagpapatuloy ni Ysabel, "At saka we're holding it back kasi sa ngayon we're nearing towards filming the finally. Talagang hinold back nila 'yung last few days of the show siguro para rin ma-surprise kami."

Sa SLAY, napapanood sina Gabbi bilang Amelie, Mikee bilang Sugar, Ysabel bilang Yana, at Julie Anne bilang Liv, na pare-parehong may motibo sa pagkamatay ni Zach.

Abangan ang SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.