Derrick Monasterio
TV

Derrick Monasterio, inulan ng papuri sa husay ng pagganap bilang Zach sa 'SLAY'

By Aimee Anoc
Nakatanggap ng papuri ang mahusay na pagganap ni Derrick Monasterio bilang Zach sa 'SLAY' mula sa kanyang co-actors at manonood.

Umani ng papuri mula sa netizens at kanyang co-stars ang mahusay na pagbibigay buhay ni Derrick Monasterio sa challenging na karakter ni Zach sa murder mystery series na SLAY.

Si Zach ay isang fitness influencer na nasunog at namatay habang naka-livestream sa harap ng libo-libo niyang followers.

Nagsimula na noong Lunes (March 24) ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Zach at kung isa nga ba kina Amelie (Gabbi Garcia), Sugar (Mikee Quintos), Yana (Ysabel Ortega), at Liv (Julie Anne San Jose) ang suspek.

Para magampanan ang karakter, ani Derrick, ay iniisip niya ang pinanghuhugutan ng karakter ni Zach.

"Ang ginawa ko sa kanya is mayroon siyang parang troubled past, mayroon siyang dark past. Iyon 'yung binuo kong backstory ko para lumabas siya 'pag medyo binubully ko na 'yung mga girls," sabi ni Derrick sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras.

Tila epektibo ang ginawang ito ni Derrick sa kanyang karakter dahil ramdam ito ng kanyang co-actors na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose kapag nasa harap na sila ng kamera.

"Nakakatakot talaga si Zach, as in. We all have our specific moments na talagang magpu-push sa characters namin," sabi ni Ysabel.

"Parang nakakapanibago kasi he's not the usual Derrick that we know, we see, dagdag ni Julie Anne.

"Pinakanatakot ako sa kanya, actually, hindi sa set, when we were doing the workshops pa," sabi naman ni Mikee.

"My character kasi towards Zach, hindi siya takot kay Zach. The compliment each other when it comes to being strong," ani Gabbi.

Nakatanggap din ng papuri si Derrick mula kay GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes. Sabi niya, "Of course, si Derrick nga hindi kami nagkamali sa pag-cast sa kanya. Lahat sila they delivered so well."

Umani rin ng magagandang komento mula sa netizens ang ipinakitang husay ni Derrick sa SLAY.

Subaybayan ang SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.

KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.