Mikee Quintos, nakaka-relate sa role sa 'SLAY'; makikilala bilang Sugar
Makikilala na ang karakter na gagampanan ni Mikee Quintos sa pinakabagong murder mystery series na SLAY, na mapapanood na sa GMA Prime.
Sa SLAY, gaganap si Mikee bilang Sugar Alvarez, ang newly-hired chef sa in-house bistro ng gym ni Zach (Derrick Monasterio). Pinili niyang magtrabaho rito dahil naniniwala siyang may kinalaman si Zach sa pagkamatay ng kanyang kuya.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Mikee kung paano siya nakaka-relate sa role niyang ito.
"Nakaka-relate ako kay Sugar du'n sa part na I realize... Sugar defines herself, o nahahanap n'ya 'yung identity niya sa mga relationship niya--sa friends, sa love ones, especially sa kuya niya, sa parents niya," paglalarawan ni Mikee sa kanyang role.
"Kung idi-define ni Sugar 'yung sarili niya magaling na kapatid, mabait na anak, nakadikit sa mga tao na iba. So, without those people I don't think kilala niya 'yung sarili niya. Feeling ko ganoon din si Mikee. Nakakatakot aminin 'yon pero, yes, feeling ko ganu'n si Mikee," dagdag niya.
Aminado si Mikee na challenging para sa kanya ang role na ito sa SLAY dahil, aniya, natuklasan niya sa mga nagdaang role na ang kahinaan niya ay "anger."
"Matapang si Sugar. Sanay ako sa characters na bumibigay sa iyak. 'Pag emotional, ii-express 'yung emotions, iiyak. Si Sugar, nafi-feel ko sa kanya 'yung tapang n'ya humaharang du'n sa emotions n'ya minsan. So, in the middle of the day sometimes I get confuse.
"Honestly, for a few days dina-doubt ko. Tinatanong ko si direk, 'Tama ba 'yon, direk?' Sabi ko, 'Hindi tumulo e.' 'Pag-cut saka tumutulo 'yung luha ko kasi ayaw pumayag ni Sugar na makita siyang umiiyak. Alam mo 'yon, may mga ganu'ng tao 'di ba? Feeling ko ganoon si Sugar," sabi ni Mikee.
Makakasama ni Mikee sa SLAY ang iba pang lead stars na sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv, kasama ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.
Ilan pa sa bituin na bubuo sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.
Abangan ang TV premiere ng SLAY ngayong Lunes, March 24, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.
Panoorin ang trailer ng SLAY sa video na ito: