Murder mystery series 'SLAY,' mapapanood na ngayong Lunes sa GMA!
Magsisimula na ang imbestigasyon sa pagkasunog at pagkamatay ng fitness influencer na si Zach sa pinakabagong murder mystery series na SLAY ngayong Lunes, March 24, sa GMA Prime.
Pagbibidahan ang SLAY nina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv, ang prime suspects sa pagkamatay ni Zach, na gagampanan ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original, kung saan magkaiba ang viewing experience sa TV at streaming platform.
"This is very exciting because it's not just showing on Viu and GMA, pero 'yung talagang nakaka-excite dito we're gonna have two endings, as well, two POVs," sabi ni Ysabel.
Ilan pa sa bituin na bubuo sa SLAY ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.
Abangan ang TV premiere ng SLAY ngayong Lunes, March 24, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.
Panoorin ang trailer ng SLAY sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: