Julie Anne San Jose, na-challenge sa role sa 'SLAY'
Aminado ang Kapuso actress na si Julie Anne San Jose na na-challenge siya sa bagong role sa GMA's first Viu Original series na SLAY.
Ito ang unang pagkakataon na gumawa si Julie Anne ng isang murder mystery drama, at ito rin aniya ang unang pagkakataon na gagawin niya ang role sa SLAY.
"Maraming challenges. I think, especially, sa emotional and mental aspects because this is my first time to play a role that is different from who I am as a person, my personality," sabi ni Julie Anne sa exclusive interview ng GMANetwork.com. Sa SLAY, bibida si Julie Anne bilang Liv Baltazar, girlfriend ni Zach (Derrick Monasterio) at stepsister ni Amelie (Gabbi Garcia).
Sa interview, ibinahagi rin ng aktres kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba niya kay Liv.
"One thing in common, of course, is love for family. Napakaimportante sa akin ng relationship with my mom and my dad.
"Sa friendship ganu'n din. Napakaimportante sa akin kapag [halimbawa] may isang bagay na in-open up ako or 'yung mga friend ko sa akin, sobrang nagma-matter 'yon sa akin na talagang tumatatak 'yon.
"And then, the difference is hindi kasi ako mataray. Si Liv medyo mataray siya and palaban siya. Medyo baddie siya nang kaunti, but nice din naman. It really depends on how you treat her," dagdag niya.
Makakasama ni Julie Anne sa SLAY ang iba pang lead stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega, maging ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio at Royce Cabrera.
Ilan pa sa mga bituin na bubuo sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Abangan si Julie Anne San Jose sa SLAY simula March 24, 9:25 p.m. sa GMA.
Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY rito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: