Matet de Leon on working with Julie Anne San Jose in 'SLAY': 'I love her agad'
Puno ng papuri si Matet de Leon kay Kapuso actress Julie Anne San Jose na unang beses niyang makakatrabaho sa isang serye.
Gaganap na mag-ina sina Matet at Julie Anne sa pinakabagong murder mystery series na SLAY. Makikilala si Matet bilang Leona, isang free-spirited painter at mapagmahal na ina ni Liv (Julie Anne).
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Matet ang ilan sa mga katangiang nagustuhan niya kay Julie Anne.
"Ang nagustuhan ko actually na pag-uugali [ni Julie], napakabait niya. She's funny, na chill lang. Kumbaga, matutuwa ka talaga sa kanya," sabi ni Matet.
"At saka madali siyang patawanin. Ako 'yung tipo ng tao na gusto ko 'yung mga tao natatawa sa akin. I'm the clown, mula nu'ng bata ako hanggang tumanda. Natatawa siya sa akin madalas. Masarap din siya kakuwentuhan," dagdag ng aktres.
Ayon pa kay Matet, agad niyang nagustuhan si Julie Anne, "I love her agad."
Makakasama rin ni Matet sa SLAY ang iba pang lead stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega.
Ilan pa sa star-studded na cast ng serye ay sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento ng SLAY sa GMA at Viu Original.
Abangan ang SLAY sa GMA Prime simula March 24. Samantala, napapanood na ang ibang side ng story nito sa Viu Original.
Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY rito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: