Jay Ortega teases role in 'SLAY': 'There's going to be a love interest'
Kabilang sa star-studded na cast ng GMA's first Viu Original series na SLAY ang Sparkle actor na si Jay Ortega.
Sa naganap na media conference ng Viu Original para sa SLAY, ipinarating ng aktor ang pasasalamat na napasama sa cast ng upcoming murder mystery drama.
Aniya, "Masaya ako na napasama ako sa napakalaking project na 'to kasama ang mga magagaling na artista."
Nagbigay rin ng ilang detalye ang aktor tungkol sa pagbibidahang role sa SLAY.
"About sa karakter ko, isa siyang simple guy living a simple life but mai-involve ako sa kanila because kababata ako ng isa sa kanila. There's going to be a love interest din," dagdag niya.
Makakasama ni Jay Ortega sa SLAY ang lead stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose, maging ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio at Royce Cabrera.
Ilan pa sa mahuhusay na artista na makakatrabaho niya sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, at Gil Cuerva.
Magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento ng SLAY sa GMA at Viu Original.
Napapanood na ang SLAY sa Viu Original at abangan ito sa GMA Prime simula March 24.
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: