Derrick Monasterio, puno ng red flags ang role sa 'SLAY'
Hot pero puno ng red flags ang karakter na pagbibidahan ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio sa pinakabagong murder mystery series na SLAY.
Sa SLAY, makikilala si Derrick bilang Zach, ang fitness influencer na nasunog at namatay.
Sa naganap na media conference ng Viu Original para sa SLAY, ibinahagi ni Derrick na kahit siya ay hindi naiwasang "ma-cringe" sa kanyang anti-hero role.
"'Di ko ini-expect na ganu'n kalala 'yung role kasi minsan, kahit ako nagki-cringe ako sa ginagawa ko. Like ' yung mga pose sa [gym] nakaka-cringe," sabi ng aktor.
"Although, naisip ko rin na if you start cringing then you are not your character anymore so 'yon na lang din 'yung nilagay ko sa utak ko.
"Ang masasabi ko lang kapag binigyan ka ng anti-hero na role, siguro ang hanapin mo lang is kung bakit siya naging masama. Kailangan mayroon siyang background, that's one check for me. Number two is may redemption," dagdag niya.
Makakasama ni Derrick sa SLAY ang leading ladies na sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv.
Ilan pa sa mahuhusay na artista na makakatrabaho niya sa serye ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.
Mapapanood na ang SLAY sa Viu Original ngayong March 3 at sa GMA Prime simula March 24.
Panoorin ang full trailer ng Viu Original para sa SLAY sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: