Julie Anne San Jose, first time gagawin ang role sa 'SLAY'
Balik-teleserye si Julie Anne San Jose sa GMA's first Viu Original series na SLAY.
Sa naganap ng media conference ng Viu Original para sa SLAY, ipinarating ni Julie Anne ang excitement para sa SLAY dahil ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng isang murder mystery drama.
"I'm very excited, we all are," sabi ng aktres. "What made me say yes to this project, of course, because of Viu and GMA. It's another collaboration na sure na maghi-hit.
"And, we all know naman na ang Viu ay nagpo-produce ng napakagandang mga content. And, of course, dahil sa GMA rin po, lahat ng mga shows mga hit talaga."
Ayon kay Julie Anne, ito rin ang unang pagkakataon na gagawin niya ang role sa SLAY, kung saan makikilala siya bilang Liv Baltazar.
'Yung sa character ko naman, it's my first time really doing this kind of genre. Nu'ng narinig ko na murder mystery 'yung story ng SLAY, na-curious ako, siyempre, kasi ang tagal kong hindi umarte. My last was [Maria Clara at Ibarra] and then, siyempre, gusto rin na ma-maximize ulit 'yung capabilities ko pagdating sa acting.
"I also want to discover myself more, kung ano pa 'yung puwede kong mai-offer pagdating sa larangan ng pag-arte. Ako kasi, personally talaga nae-enjoy ko whenever I get these roles, and first time ko rin magkaroon ng ganitong klaseng role. Minsan kapag gumagawa kami ng eksena, nasu-surprise din ako kung papaano siya lumalabas at kung papaano ako nagiging sa set," kuwento niya.
Masaya rin si Julie Anne na makatrabaho ang star-studded cast ng SLAY. Makakasama niya sa lead cast sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega.
Ilan pa sa mahuhusay na aktor na bubuo sa SLAY ay sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
"I also love that I get to work with these very talented and passionate actors, talagang nakaka-overwhelm pero ang sarap sa pakiramdam because I know that we are creating something that's really good. Very exciting 'tong project na 'to," dagdag ni Julie Anne.
Talaga namang exciting ang bagong proyekto na ito ng aktres dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.
Mapapanood na ang SLAY sa Viu Original simula March 3 at GMA Prime sa March 24.
Panoorin ang full trailer ng Viu Original para sa SLAY sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/23058/mga-bibida-sa-slay-ipinakilala-ng-viu-at-gma-sa-media-conference/photo