What's on TV

'Sirkus' cast bids goodbye and thank you to loyal viewers

By Jansen Ramos
Published April 16, 2018 12:28 PM PHT
Updated April 16, 2018 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Natapos man ang programang 'Sirkus' hindi naman natatapos ang samahang nabuo nang dahil sa programa. 

Pamilya na ang turingan ng cast members ng Sirkus sa isa't isa. Kaya sa pagtatapos nito kahapon, April 15, ibinahagi nila ang ilan sa kanilang behind-the-scenes photos sa Instagram.

WATCH: Ang huling misyon nina Miko at Mia sa Sirkus

Sa post ni Mikee Quintos, nagpasalamat siya sa lahat ng sumubaybay sa fantasy series at na-enjoy niya rin daw ang pagganap sa karakter ni Mia. Isinulat pa niya ang katagang "walang iwanan" bilang mensahe sa kanyang co-stars na naging barkada. 

"Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa #SIRKUS!! I had so much fun playing the oh-so-pink Mia  Hahaha Hanggang sa muli. ???? And of course, shoutout to this fun bunch!! “Walang iwanan”. I love you guys," mensahe niya.

 

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa #SIRKUS!! I had so much fun playing the oh-so-pink Mia ???? Hahaha Hanggang sa muli. ???????? And of course, shoutout to this fun bunch!! “Walang iwanan”. I love you guys.

A post shared by Mikee Quintos (@mikeequintos) on

 

Pareho naman ang naging sentimiyento nina Mikoy Morales at Chariz Solomon sa pagtatapos ng serye. 

 

Mahal ko kayo. Salamat sa lahat. Hanggang sa muli. ?

A post shared by Mikoy Morales (@mikoymorales) on

 

 

“Hanggang sa huli, sama-sama tayo.” #sirkus

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon) on


Sa hiwalay na post, nagbigay pa ng short but sweet message si Mikoy para sa kanyang katambal na si Mikee kung saan kalakip nito ang kanyang wacky photo.

"The sister I never had, and the kind of daughter I wish I will have, I love you," saad niya sa Instagram.  

 

The sister I never had, and the kind of daughter I wish I will have, I love you. ?

A post shared by Mikoy Morales (@mikoymorales) on


Natapos man ang Sirkus, patuloy pa rin nilang pinapahalagahan ang pagkakaibigang nabuo sa loob ng ilang buwan.

Samantala, muling magsasama-sama sina Mikee Quintos, Cherie Gil at Gardo Versoza sa upcoming primetime series na Extraordinary Love.