TV

Mikee Quintos at Mikoy Morales, kapatid ang turing sa isa't-isa

By Jansen Ramos
Updated On: December 15, 2017, 11:50 AM
Abangan sina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa Sirkus, malapit na sa GMA.

 

Magkakambal ang gagampanang karakter ng Kapuso teen stars na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa inaabangang telefantasyang Sirkus.

First time ni Mikoy makagawa ng isang telefantasya at isa itong pangarap para sa kanya. “Dream come true para sa child in me to be part of a show na may powers ka and everything.”

Nagpapasalamat din siya dahil makakasama niya ang kaibigang si Mikee sa telefantansya dahil kapatid na ang turing niya rito.

Aniya, "We have a lot of similarities na parang pag ginawa mo ‘kong babae, ako siya [Mikee]. I’ve told this to Mikee na parang wala akong ibang maisip na artist sa GMA na magiging ganito ko ka-click especially for a role like this. Malaking bagay na friends na kami, close na kami. Ang sarap niya katrabaho. She's very generous. Tiyamba na rin siguro talaga na pareho kami ng gustong gawin.”

Tila ginagawa na nga daw ‘merienda’ nina Mikee at Mikoy ang paglalabas ng kanya-kanyang saloobin.

Ani ni Mikee, “Si Mikoy kasi sobrang lalim na tao ‘yan. Minsan, to the point na ayaw ko mag deep talk, siya lagi forever gusto mag-deep talk.”

Abangan sina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa Sirkus, malapit na sa GMA.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.