Magkakakilala sina Clara at Roman sa panahong pareho silang may pinagdadaanan—hiniwalayan ng kanyang nobyo si Clara bago ang kanilang kasal at si Roman naman ay maagang naging biyudo. Agad magkakamabutihan ang dalawa at magpapakasal.
Ito na sana ang simula ng paghihilom ni Clara, ngunit mapapansin niyang iba ang Roman na nakilala niya kaysa sa lalaking pinakasalan niya.
Dahil galing si Roman sa isang makapangyarihang political family, palabas lang pala lahat ng ipinakita nito sa kanya. Lubha itong mahigpit at mapanghinala at madalas pa siyang saktan nito.
Kaya naman uhaw sa tunay na pagmamahal si Clara. Makikilala niya si Jason, isang lalaking mas bata sa kanya, at ito ang magbibigay ng pag-aarugang hinahanap niya.
Ngunit maraming hindi makakaintindi ng kanilang relasyon. Bukod sa kaibahan ng kanilang edad, pareho pa silang nakatali sa ibang tao. Kasal pa si Clara kay Roman, habang si Jason ay may asawa rin—si Hanna.
Dapat bang piliin ni Clara ang magmahal nang totoo o ang magmahal ng tama?
Ang Sinungaling Mong Puso ay ang TV adaptation ng award-winning 1992 film na may parehong pamagat. Pinagbidahan ito nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Aiko Melendez at Alice Dixson.

Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.