TV

Matt Evans, intense ang acting sa finale ng 'Sherlock Jr.'

By Bianca Geli
Updated On: April 26, 2018, 07:03 PM
All out si Matt Evans sa pag-portray kay Dindo sa pagtatapos ng 'Sherlock Jr.' Ano rin ang dapat abangan sa bagong Kapuso after ng show? Alamin sa istorya na ito.

Ibinahagi ng Sherlock Jr. actor na si Matt Evans ang kanyang emosyon ngayong patapos na ang naturang show. Ito ang kaniyang unang regular na programa sa Kapuso network.

 

Sinong gustong patayin si dindo?????

A post shared by GMA.SHERLOCK JR. (@sherlockjr.official) on


“Natapos na namin, nag last taping na kami so hopefully magustuhan ng mga tao ‘yung ginawa naming ending. Nalalapit na ‘yung pagtatapos namin so sana tutukan nila.”

Ipapakita rin daw niya ang mas intense na acting. “Mas titindi pa ‘yung galit ni Dindo kay Jack, so mas marami pang mangyayari. Marami pang twists na mangyayari. Marami pang bakbakan at aksyon.”

Ngayong patapos na ang Sherlock Jr., nais raw ng Kapuso newbie na makapag-guest sa iba’t ibang programa ng GMA. “Sa ngayon, meron po akong ibang shows na iikutan muna, like guestings. Looking forward ako na makapag-guest sa Magpakailanman at sa Stories for the Soul.”

WATCH: Ruru Madrid at Valeen Montenegro, nag-live in na?

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.