
Isang masayahang kuwentuhan at kantahan ang magaganap ngayong Sabado sa Sarap Diva dahil bibisita kay Regine Velasquez-Alcasid ang mag-inang sina Sunshine Cruz at si Angelina.
Ngayong May 5 ay magkukuwento sina Sunshine at ang panganay niyang si Angelina ng kanilang mother and daughter relationship. Bukod dito ay ipapakita rin ni Angelina ang kanyang talento sa pagkanta.
"Mga kapitbahay, sa pagbisita kay Asia's Songbird & Cooking Diva Regine Velasquez-Alcasid ay maririnig nating kumanta si Angelina na panganay ni Kapuso Sunshine Cruz! Abangan sa Sabado!"
Abangan ito ngayong Sabado, May 5, 10:30 a.m.