
Mayroong three sets of twins si Joel Cruz, pero ayon sa kanya ay may nais pa siyang idagdag sa kanyang lumalaking pamilya.
Kuwento ni Joel sa kanyang pagbisita sa Sarap Diva, may isa pa siyang set ng twins na ipinagdarasal niyang makuha mula sa Russia. Saad ng tinaguriang Lord of Scents, "'Yun na 'yung last program sa Russia."
"I'm hoping and praying na sana kambal ulit sila. Para maging walo sila," dugtong niya.
Ang kanyang tatlong set of twins ngayon ay sina Prince Sean and Princess Synne, Prince Harry and Prince Harvey at sina Prince Charles and Princess Charlotte.
Inilahad naman ni Joel ang kanyang kabuuang nagastos para magkaroon ng isang set of twins. Aniya, "Una you have to pay 6 million pesos sa isang program. And then, hindi naman sila titigil hanggang 'di ka magkakaanak."
Overall ay gumastos si Joel ng 12 million pesos para sa isang kambal. "Every test na ginagawa, may extra pay pa rin 'yun. I ended up na nasa 12 million pesos 'yung isang set ng kambal."