
Sumama na sa masayang umaga ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva dahil bibisitahin siya ni Dennis Trillo.
Ngayong July 8, si Dennis at ang mga kakaibang ibon ang kanyang makakasama para sa isang masayang kuwentuhan, kantahan at kainan.
Mukhang mag-walkout pa si Sir Raul Mitra. "Ano kaya ang ganap ng mga kakaibang ibon at nakakunot ang ulo ni Sir Raul? Para bagang nagbabadyang mag-walkout?! Abangan sa Sabado!"
Ang Sandawa ng Mulawin VS Ravena na si Regine, may inihandang masarap na dish para kay Gabriel na ginagampanan naman ni Dennis.
Abangan ang Mulawin VS Ravena bonding this Saturday, sa Sarap Diva.