Sarap, 'Di Ba?: Kilig Saturday at nakakagulat na harapan with Lianne Valentin, Boobay, Prince Clemente, at Mclaude Guadana
Masayang Saturday morning plus nakakagulat na harapan ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? nang bumisita sina Lianne Valentin, Boobay, Prince Clemente, at Mclaude Guadaña.
Napanood noong April 1 ang unang beses na pagbisita ni Lianne sa Sarap, 'Di Ba? Dito rin ginulat ni Carmina Villarroel si Lianne sa tanong na "totoo bang nagkaroon kayo ng relasyon ni Zoren?" habang nagluluto ng Chicken and Lemongrass Skewers Curry.
Nagpakita naman ng diskarte sina Mavy at Cassy Legaspi kasama sina Lianne, Boobay, Prince, at Mclaude sa game na Bola-Bolahin Mo Ako.
May nakakatawang aktingan at kiligan pa sa Dear 'Teh Mina.
Patuloy lamang na sumubaybay sa masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso Stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel. Mapapanood rin ang Sarap, 'Di Ba? sa Pinoy Hits Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.