Makisaya sa 'Sarap, 'Di Ba?' Christmas party!
Huwag magpahuli sa exciting at masayang Christmas Party ng Sarap, 'Di Ba?
Sa Sabado, December 17, mapapanood ang Christmas party na ito na inihanda nina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi para sa happy peeps. Puno ito ng kaabang-abang na games at may masarap pang dish na perfect for holiday season.
Makakasama nila sa episode na ito sina Muriel Lomadilla, Jennie Gabriel, Jayson Gainza, at Kleggy.
Abangan ang masayang Christmas party paandar ng Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.
Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!