Sanya Lopez, ipinakita ang dance moves at isang unique na recipe
Isang masayang Sabado ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil nakasama ni Carmina Villarroel at Cassy Legaspi si Sanya Lopez at ang kwelang sina Cookie (Pekto) at Belly (John Feir).
Napanood sa Sarap, 'Di Ba? ang moves ni Sanya para sa kanyang single na "Hot Maria Clara." Napanood rin ang masarap at unique na dish na inihanda ni Sanya.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Nagpabida naman sa Pa-istaran Dance Showdown ang mga manok nina Cookie at Belly na sina Jim Lloyd and Kevin.
Samantala, sa mga nais sumali sa "PakidSTARan," i-send lang ang kanilang audition videos sa Sarap, 'Di Ba? Facebook inbox kasama ang kanilang name, age, address and contact number.
Huwag na huwag rin palalampasin ang pagsali sa Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!
Tutukan ang lahat ng ito tuwing Sabado ang Sarap, 'Di Ba?, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa livestream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.