Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega
PHOTO SOURCE: @ysabel_ortega
TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, magpapakilig sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Abangan sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa 'Sarap, 'Di Ba?' ngayong October 1.

Salubungin natin ang October sa isang nakakakilig na episode ng Sarap, 'Di Ba?

Ngayong Sabado, October 1, bibisita kina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Sa episode na ito mapapanood rin natin ang komedyanteng si Atak.

sarap di ba

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?



Bukod sa pagpapakilig, sabay-sabay rin nating kilalanin ang mga bagong bibong bagets na maglalaban sa PakidSTARan.

Sa mga nais sumali sa PakidSTARan, i-send lang ang kanilang audition videos sa Sarap, 'Di Ba? Facebook inbox kasama ang kanilang name, age, address and contact number.



Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na pagbabalik ng Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!

Tutukan ang lahat ng ito tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.