Abangan ang mga bibong bagets sa PakidSTARan ng 'Sarap, 'Di Ba?'
Ngayong September 10, mapapanood na ang exciting na pagalingan ng mga bibong bagets sa Sarap, 'Di Ba?
Sa Sabadong ito ay mapapanood na ang mga unang sasabak sa inaabangang segment ng Sarap, 'Di Ba? na PakidSTARan. Sila ay ang mga talented na mga bagets na magpapakita ng kanilang galing at talento sa Sarap, 'Di Ba?
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Makakasama rin nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ngayong Sabado ang ilang mahuhusay na Kapuso stars na magiging judge sa PakidSTARan. Sila ay ang stars ng Lolong na sina Arra San Agustin at Rochelle Pangilinan, at ang Kapuso comedian na si Boobay.
Huwag magpahuli sa tapatan ng mga bibong bagets sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Samantala, sa mga nais sumali sa PakidSTARan, i-send lang ang kanilang audition videos sa Sarap, 'Di Ba? Facebook inbox kasama ang kanilang name, age, address and contact number.