Sarap, 'Di Ba?: Masayang games at challenges with Sparkle young talents
Nakakaaliw na games at challenges para sa Gen Z guests ng Sarap, 'Di Ba? ang napanood nitong August 27.
Nitong Sabado, nagtapat ang Team Prettyful na sina Cassy Legaspi, Roxie Smith, at Sofia Pablo at Team Mah Men na sina Mavy Legaspi, Allen Ansay, at Michael Sager sa Gen Z edition ng Sarapdibalympics.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Punong-puno ng energy ang ating mga guests sa pagpapakita ng husay at diskarte sa mga games at challenges na inihanda ng Sarap, 'Di Ba?
Para naman sa masarap na kainan, naghanda ang ating happy nanay na si Carmina Villarroel ng masarap at comforting na Seafood Tom Yum.
Patuloy na tutukan ang masasayang Saturday morning bonding na hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.