Sarap, 'Di Ba?: Carmina Villarroel asks Kyline Alcantara: 'Bakit ka ba nandito, Kai?'
Nakasama sina Kyline Alcantara at Vince Crisostomo sa masayang episode ng Sarap, 'Di Ba? nitong April 30.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Sa Sabadong ito ay nakaharap ni Kyline ang mommy ng kaniyang real life sweetheart na si Mavy Legaspi. Pabirong tanong ni Carmina kay Kyline, "Bakit ka ba nandito, Kai?"
Bukod sa nakatutuwang paghaharap nina Carmina at Kyline, humarap ang team nina Cassy-Vince, at team Mavy-Kyline sa fun challenges. Ito ay ang Toilet Paper Stacking Challenge, Quick Change Closet Challenge, and Showerade.
Para sa masarap na kainan, mayroon namang inihanda na recipe para sa Chicken Salpicao.
Abangan ang iba pang mga masasayang mga episodes ng Sarap, 'Di Ba? every Saturday sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.