Tapatang Mavy Legaspi-Kyline Alcantara at Cassy Legaspi-Vince Crisostomo, mapapanood sa 'Sarap, 'Di Ba?'
May exciting episode na dapat tutukan sa Sarap, 'Di Ba?
Ngayong April 30 bibisita sina Kyline Alcantara at Vince Crisostomo sa fun bonding nina Carmina Villarroel, at Mavy and Cassy Legaspi sa Sarap, 'Di Ba?
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Kaabang-abang ang challenges na inihanda para sa team nina Cassy at Vince at ang real-life sweethearts na sina Mavy at Kyline. Sila ay magtatapat sa Toilet Paper Stacking Challenge, Quick Change Closet Challenge, and Showerade.
For a yummy weekend treat, gagawa si Carmina ng Chicken Salpicao with Mavy and Kyline sa Sarap, 'Di Ba? kitchen.
Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba?, 10:00 a.m. sa GMA Network.