TV

Herlene Budol at Alexandra Abdon, nagbahagi ng kanilang sikreto sa pagiging fit at sexy

By Maine Aquino
Ano nga ba ang ginagawa nina Herlene "Sexy Hipon" Budol at ni Miss Manila na si Alexandra Abdon?

Bidang-bida ang ganda, fit, at sexy na pangangatawan nina Herlene "Sexy Hipon" Budol at Miss Manila na si Alexandra Abdon sa episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Sa episode nitong April 17, ibinahagi nilang dalawa ang sikreto para manatiling fit at healthy kahit pa nasa bahay lang dahil sa quarantine.

Kuwento ni Herlene kina Carmina Villarroel, Zoren, Cassy, at Mavy Legaspi, kahit na matagal nang slim ang kaniyang katawan, nakitaan niya rin ang naging pagbabago rito nang mag-quarantine.

"Dati naman po ganito na katawan ko. Sa awa naman ng diyos wala namang nagbabago sa akin. Noong quarantine lang po medyo nagkaroon ako ng bilbil."

Dahil sa pagbabagong ito ay pinili ni Herlene na mag-workout at mag-focus sa kaniyang kalusugan.

"Ngayon inaalagaan ko na po, nagwo-workout na po ako. Tapos kumakain na po ako nang tama sa oras tapos natutulog lang."

Herlene Budol and Alexandra Abdon
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Pagpapanitili rin ng healthy lifestyle ang ginagawa ni Alexandra. Ayon sa dating Miss Universe Philippines contestant, "Healthy diet, exercise and super maraming water especially now kailangan talagang hydrated tayo."

Sa kaniyang pagkain, pinili rin ni Alexandra na maging maingat para mapanatili ang kaniyang fit na figure.

"Lagi akong kumakain ng more on vegetables and less meat."

Panoorin ang kanilang naging tapatan at kuwentuhan with Legaspi family sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.


Sarap, 'Di Ba?: Herlene 'Hipon Girl' Budol, certified head banger! | Bahay Edition

Sarap, 'Di Ba?: "Kung blow lang ang labanan, lalaban ako!" Hipon Girl | Bahay Edition

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.