TV

WATCH: Jojowain o totropahin with the Legaspi family

By Maine Aquino
Updated On: March 22, 2021, 06:52 PM
Sino ang nabuking kina Carmina Villarroel, Zoren, Mavy, at Cassy Legaspi at bakit may mga nagkahabulan?

May fun family bonding ang Legaspi family at meron pang masayang jojowain at totrapahin game na napanood sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Nitong March 20 ay pumunta sina Carmina Villarroel, Zoren, Cassy, at Mavy Legaspi sa kanilang rest house sa Batangas para sa isang quick getaway. Ito ang napiling bonding ng Legaspi family pagkatapos ng isang buwan na lock in taping ni Cassy para sa First Yaya.

Carmina Villarroel Zoren Legaspi Mavy Legaspi Cassy Legaspi

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Sa isang segment ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ay naglaro sila ng jojowain o totrapahin. Dito nabuking ang kanya kaniyang happy crushes nina Carmina, Zoren, Mavy at Cassy.

Itinanong kay Cassy kung sino kina Migo Adecer at Rayver Cruz ang kaniyang jojowain o totropahin. Pinili ni Cassy ang kaniyang happy crush na si Rayver. Ayon kay Cassy, isang oppa ng All-Out Sundays ang kaniyang Kuya Rayver.

Itinanong naman kay Carmina kung jojowain o totropahin niya si Gabby Concepcion. Saad ni Carmina, "Wala naman yatang hindi nagkaka-crush sa kaniya."

Si Zoren naman ay hinabol ni Carmina nang siya ay na-hotseat sa game. Kilalanin kung sino ang sinabihan ni Zoren ng "sunduin kita mamaya, magbihis ka na."


Tingnan ang ilang mga larawan ng Legaspi family sa gallery na ito:


NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.