TV

Zoren Legaspi, may birthday celebration sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

By Maine Aquino

May birthday celebration na dapat abangan ngayong January 30 sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Ngayong Sabado may special episode para i-celebrate ang birthday ni Zoren Legaspi. Sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi, ay maghahanda ng ilang mga sorpresa para sa kaarawan ni Tatay Zoren.



Mapapanood rin sa episode na ito ang kuwento ng engagement ni Glaiza De Castro sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.

Bukod sa family bonding at kilig engagement story, abangan rin ang 5k Giveaway ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Sama na sa Legaspi family bonding ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.