Gabbi Garcia and Khalil Ramos show how to do Christmas-themed photoshoot at home
Dahil malapit na ang Pasko, ipinakita nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang iba't ibang mga paraan para i-elevate ang photos kahit nasa bahay lang.
Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, itinuro nina Gabbi at Khalil ang iba't ibang techniques, poses, at iba pang mga paraan ang puwedeng gawin for a festive photo shoot.
Si Khalil ang kumuha ng photos at si Gabbi naman ang nag-pose para ipakita kung paano gawin ang Instagram-worthy photos na ito.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Ayon ka Khalil, kukuha sila ng tatlong klase ng photos para ituro ang mga paraan kung paano gagawin ang Christmas-themed photoshoot.
"We're going to shoot three photos, one with the parang light play... gagamitin natin 'yung lights na 'yun para makunan natin 'yung image nang maganda.
"Second, we're gonna do a white Christmas theme. Ang concept ko is gagawa tayo ng simple photo lang, pero i-edit natin using simple apps that you can use on your phone.
"Tapos 'yung pangatlo natin is a Christmas card."
Panoorin kung paano gawin ang Instagram-worthy shots na ito sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.
Related content:
Sarap, 'Di Ba?: Closet raid and 'rampa' challenge with Gabbi Garcia and Khalil Ramos | Bahay Edition
Sarap, 'Di Ba?: Sneak peek of the Legaspi family's Christmas home decoration | Bahay Edition