Mavy and Cassy Legaspi, nakipagkulitan kay Zoren Legaspi sa 'Sarap, 'Di Ba?'
Nitong March 14, nakasama nina Carmina Villarroel at Mavy at Cassy Legaspi ang cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa kanilang Saturday morning show na Sarap, 'Di Ba?
Ang Sangguniang Kambal ay may napansin kay Anselmo na ginagampanan ni Zoren Legaspi. Ani nina Mavy at Cassy, "Parang you look very familiar"
Panoorin ang kanilang nakakatuwang game kasama sina Mylene Dizon, Teri Onor, at Valeen Montenegro.
Dahil nalalapit na ang Lenten Season, may inihandang seafood lomi sina Carmina at Chef Jonah Trinidad. Panoorin ang happy nanay specialty na ito ng Sarap, 'Di Ba?