
Sa first Saturday ng February, masayang kuwento plus healthy dish ang hatid nina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi sa Sarap, 'Di Ba?
Para sa Dear 'Teh Mina, bumida ang kuwento ng Buntis 5 na sina Marian De Vera at ang kanyang friends na sina Heart, Carla, Lovi at Jennylyn.
Dahil sa pagkakagulo ng Buntis 5 sa buntis package, susubukan itong i-solve ng Sangguniang Kambal.
Para sa masarap at healthy na kainan, meron namang inihanda si Chef Jonah Trinidad na tofu and mushroom sisig.
Abangan ang masarap na kainan at tawanan sa Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado ng umaga at 10:45 a.m.