Betong Sumaya, nakaharap ang guard na hindi nakakilala sa kanya | Ep. 20
Sa isang fun game ng Sarap, 'Di Ba? nitong March 9 ay natuklasan ng mga manonood ang isang recent embarrassing experience ni Betong Sumaya.
Ayon kay Betong ay may isang Kapuso guard na hindi siya nakilala kaya hinanapan siya nito ng ID. "Kanina kasi bago ako pumasok dito, hinanapan ako ng ID ng guard. Tapos, hindi ako pinapasok."
Sa gitna ng kanilang game ay sorpresang dumating ang Kuya Guard na ikinukuwento ni Betong kaya naman napuno ng tawanan sa studio. Biro ni Betong sa guard, "Kuya ako po si Betong po, pero puwede niyo po akong tawagin na Dingdong (Dantes). Puyat lang po."
Dagdag pa niya ay ang nakakatuwang kuwento ng kanyang naging pagsisimula bilang artista sa Kapuso Network.
"Isa po akong artista. Nagsimula po ako bilang executive producer po ng Day Off po... hanggang sa unti-unti pong nangarap. Gustong lumabas na artista. Nung nakuha ko na ang pagiging artista ko, kayo naman po ang pumutol sa aking pangarap."
Panoorin ang kanilang nakakatuwang paghaharap sa Sarap, 'Di Ba?