TV

EXCLUSIVE: Carmina Villarroel gives tips to build strong relationship with kids

By Maine Aquino
Sarap, Di Ba? host Carmina Villarroel, binigyang-diin ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagitan ng magulang at mga anak.

Sa harap o likod man ng camera, close na close si Carmina Villarroel sa kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com sa Sarap, 'Di Ba? host, ibinahagi niya ang ilang tips para mapalapit ang mga magulang sa mga anak.

Kuwento ni Carmina, "Siguro just to have an open communication with your kids. It's really important.

“Alam ko na may generation gap, kasi 'yung mga kids nowadays they're very opinionated not in a negative way, but they really voice out their opinion which is good.

“So, I think they just have to be open with them."

Importante rin umano ang pangungumusta sa mga anak lalo na ngayon na may iba't ibang paraan na para magkaroon ng komunikasyon.

"Kamustahin sila kahit wala kayo sa bahay,” sabi ni Carmina.

“Kaya nga may cellphone, kaya nga may viber group, may FaceTime, may WhatsApp name it. You just really need to exert an effort.

“Actually, pagdating sa ganyan, it's not even an effort sa mga mommies kasi parang ano na sa amin 'yun na kailangan alamin mo kung nasaan sila.

“Be involved with their lives."

Dagdag pa ni Carmina, dapat ding maging physically present ang mga magulang sa mga anak.

Kailangan umanong kilalanin sila, ang mga taong nakapaligid sa kanila, at ang kanilang mga interests.

Aniya, "It's not important na you're just there.

“Importante na you try to know kung ano ba nangyayari sa world nila.

“Kilalanin ninyo yung mga kaibigan nila, mga interests nila, 'yung mga likes nila.

“Basically, makipagkuwentuhan lang.”

Alamin ang iba pang parenting tips mula kay Carmina tuwing Saturday morning sa Sarap, Di Ba?

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.