prince carlos
PHOTO SOURCE: @princetcarlos/ @sanyalopez
TV

Prince Carlos, pangarap na maka-eksena si Sanya Lopez

By Maine Aquino
Alamin kung saang eksena gusto makasama ni Prince Carlos si Sanya Lopez.

Inamin ni Prince Carlos na pangarap niyang maka-eksena si Sanya Lopez.

Ito ay inilahad ni Prince sa Sarap, 'Di Ba? nang tanungin siya kung sino ang female local star na pangarap niyang maka-love scene or kissing scene.

Prince Carlos and Sanya Lopez

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Paliwanag ni Prince kung bakit si Sanya ang napupusuan niyang maka-eksena, "Siyempre, bukod sa napakaganda at napakagaling na artista, given na very professional siya."

Inamin ni Prince na magandang makatrabaho sa ganitong eksena ang isang professional na katulad ni Sanya.

Parang paggagawa ako ng ganoong scene gusto ko 'yung taong may experience na, professional, para comfortable ako.

Panoorin ang sagot ni Prince dito:

Si Prince ay parte ng Sparkle's Boys of Summer na ipinakilala ngayong 2024. Nitong Marso ay nagtapos si Prince ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resource Management sa De La Salle-College of Saint Benilde.

RELATED GALLERY: Learn more about the promising Sparkle actor Prince Carlos

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.