Gary Estrada at Bernadette Allyson, mapapanood sa early Father's Day celebration ng 'Sarap, 'Di Ba?'
Isang maagang Father's Day celebration ang aabangan sa Sarap, 'Di Ba? at makakasama ng hosts na sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sina Gary Estrada at Bernadette Allyson.
Sa episode na ito, ang celebrity couple ay magkakaroon ng special surprise mula sa kanilang mga anak. Sasabak din sina Gary at Bernadette sa "Say It or Eat It" segment kung saan sasagot sila ng ilang mga katanungan.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Dahil Father's Day celebration ang mapapanood sa Sarap, 'Di Ba?, si Gary ang sasalang sa hot seat. Ano kaya ang sasaguting controversial question ng aktor?
Samantala, sina Mavy at Cassy ay may food trip sa Hiwaga Pares Overload sa Litex, Quezon City. Mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? ang owner na si Hiwaga para ipatikim ang kanilang bestsellers kina Mavy at Cassy. Si Carmina ay hindi rin papahuli sa food trip na ito dahil titikim din siya ng Hiwaga Pares Overload, Shing-aling Pork Chop, at Chakaken Joy mula sa studio ng Sarap, 'Di Ba?
"Masaya Dito!" tuwing Sabado sa Sarap, 'Di Ba? kaya tutok na sa June 8, 10:30 a.m. sa GMA Network at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa YouTube channels ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments.
Huwag magpahuli at sumali sa Sarap Manalo Promo tuwing Sabado sa Sarap, 'Di Ba?