Eric Fructuoso admits past relationship with Toni Gonzaga
"Oo, meron" ang naging sagot ni Eric Fructuoso nang matanong kung nagkaroon sila ng relasyon ni Toni Gonzaga.
Itinanong ito kay Eric nang siya ay mapasabak sa hot seat questions ng Sarap, 'Di Ba? noong November 11.
Ani Eric bago siya umamin, "hindi ko in-expect 'yun ah."
Tanong ng host ng Sarap, 'Di Ba? na si Carmina Villarroel kay Eric ay kung gaano sila katagal na magkarelasyon ni Toni.
Sagot naman ni Eric, "Rough estimate, lahat lahat kasama na 'yung wala lang saka 'yung may commitment siguro mga three. Almost three years."
RELATED GALLERY: Mark Anthony Fernandez and Eric Fructuoso look back on their Gwapings day
Saad ni Carmina ay matatagal ang naging relationships ni Eric kaya sumagot ang '90s heartthrob, "Hindi naman ako chickboy, minamahal ko naman."
Sinundan ito ng tanong ni Carmina kung bakit sila naghihiwalay ng mga dating karelasyon.
Biro ni Eric, "Nagigising sila sa katotohanan."
Panoorin ang pag-amin ni Eric dito: